Inanunsiyo ng promotional company na Triller ang iba pang magiging bahagi ng undercard sa mandatory fight sa pagitan nina Teofimo Lopez (16-0, 12 KOs) at George Kambosos (19-0, 10 KOs), na magaganap sa October 4, 2021 sa Hulu Theater ng Madison Square Garden.
Kung maalala una nang itinakda ang banggaan ng dalawa noong June 19, 2021 pero ipinagpaliban matapos na magpositibo sa COVID-19 si Lopez.
Narito ang mga undercards:
Daniel Gonzalez (20-2-1, 7 KOs) vs Petros Ananyan, (15-2-2, 7 KOs), para sa 10-round junior welterweight bout.
Jose Roman (11-0, 5 KOs) vs Cesar Francis (8-0, 6 KOs) sa junior middleweight, eight-rounder
Will Madera (16-1-3, 9 KOs) vs Jamshidbek Najmitdinov (17-1, 14 KOs) sa junior welterweight division
Joe Ward (4-1, 2 KOs) vs Frederic Julian (12-0, 10 KOs) six-round light heavyweight fight