-- Advertisements --
image 635

Inirekomenda ang konstruksiyon ng underground drainage tunnel bilang pangmatagalang solusyon umano sa mga pagbaha sa Metro Manila.

Ayon kay Management Association of the Philippines (MAP) infrastructure committee chair Eduardo Yap, magsisilbing tubo ang underground drainage tunnels para i-drain o paagusin ang mga tubig baha mula sa depressed areas patungo sa pinakamalapit na sapa.

Ginawa ni Yap ang rekomendasyon matapos bumuhos ang malalakas na pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa rehiyon noong Sabado dahilan kayat hindi madaanan ang mga pangunahing kalsada kabilang ang kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa harapan ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Maiiwasan aniya ang pagkasira ng surface sa pamamagitan ng paggamit ng tunnel boring machine, katulad ng mga ginamit sa Metro Manila Subway project.