-- Advertisements --
image 148

Pinaplano ng Department of Transportation (DOTr) kaagapay ang Japan International Cooperation Agency (JICA) na magtayo ng karagdagang underground railways systems mula Metro Manila patungong Cavite.

Ito ang ibinunyag ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa isinagawang Philippine Business Opportunities forum sa Japan na layuning masolusyuna ang problema sa trapiko sa rehiyon.

Sinabi din Transportation chief na nasa planning stage pa lamang ang usapin sa konstruksiyon ng nasa tatlo o apat na subway.

Ang plano aniyang subway ay posibleng ikonekta sa Metro Manila Subway project na ngayon ay under construction.

Hindi pa masabi ni Bautista kung kailan sisimulan ang naturang proyekto bagamat sa ngayon aniya ay kanilang paghahandaan muna ang feasibility studies.