Nadiskubre ang isang underground tunnel sa isinagawang paggalugad ng Pampangan PNP at local officials sa sinasabing exclusive resort na umano’y ginamit ng Chinese bosses na namamahala sa mga operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga ayon kay Pampanga police provincial director Police Col. Jay Dimaandal.
Ang naturang compound ay sa Barangay Siñura, Porac Pampanga na less than 5 kms mula sa mga opisina ng ni-raid na POGO hub ng Lucky South 99 Outsourcing Inc. noong nakalipas na buwan.
Sa ibinahaging post ni Pampanga Governor Dennis Pineda, sinabi nito na pinagdudugtong ng tunnel ang mansion at bahay sa gitna ng isang lawa.
- Kontrobersiya sa likod ng POGO hindi magandang imahe sa mata ng mga investors at sa bansa – NEDA
- 2 Pinoy na umano’y konektado sa ni-raid na POGO leisure resort sa Pampanga, mahaharap sa mga kaso
- 2 Chinese na naaresto sa ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga, sinampahan ng criminal charges
Sa video, makikita ang paggalugad ng mga awtoridad sa underground hallway na may nakahilirang empty shelves patungo sa mga opisina at bedroom.
Sa isang bedroom mayroon itong glass sliding doors na madadaanan patungo sa isang maliit na lagoon. Mayroon din umanong nadiskubre na firing range.
Ayon kay PD Dimaantal, sa naturang leisure hub sa Barangay Siñura umuuwi ang mga opisyal ng ni-raid na POGO sa Porac.
Saad pa ng PD na nadiskubre nila ang subject ng search warrant tulad ng umano’y hazing paraphernalia, handcuffs, baseball bat at “incriminating” documents.
Ikinustodiya din ng mga awtoridad ang mga nakatira sa compound at 2 natukoy na incorporators ng Whrilwind Corp., ang kompaniya na nagpapaupa ng property sa Lucky South 99 sa Barangay Sta. Cruz, Porac, Pampanga.
Nadiskubre pa sa imbestigasyon ng mga awtoridad na ipinatayo ang resort at bahay ng walang building permit mula sa opisina ni Porac Mayor Jing Capil gayundin wala itong kaukulang barangay clearance.