Gagamitan ng isang underwater robot ang MT Princess Empress na lumubog sa Oriental Mindoro upang mapigilan ang pagkalat pa ng natitirang langis sa loob ng barko.
Ito ay isa sa mga ginagawang hakbang ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang crew ng Shin Nichi Maru isang Japanese dynamic positioning vessel.
Kaugnay pa nito, ang United Kingdom ay sinusuportahan rin ang nasabing operasyon at nagpadala ito ng specialized bags upang magamit sa pagpigil ng pagkalat pa ng natitira sa ilalim ng dagat.
“Dumating na sa Oriental Mindoro ang mga specialized bags mula sa United Kingdom para gamitin sa ‘bagging’ o pansamantalang pagsasara ng leaking areas mula sa MT Princess Empress. Naisakay na ito sa barkong Shin Nichi Maru katuwang ang PCG personnel para maitest na. Ganundin, inaasahang may darating sa Lunes na 16 customized bags mula sa planta sa Cavite,” ayon pa kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor.
Ngayong araw nga ay nasa halos 47 na coast guard personnel ang idineploy, upang ma assess ang clean-up habang ang ilan naman ay nagsasagawa na ng offshore response operations.
Nagpadala rin ng ilang mga personnel ang Coast Guard Marine Science technicians, LGU ng Oriental Mindoro, DENR personnel at maging mula sa DOH.