Bago isagawa ng U.S. military ang pagpatay kay world’s most wanted terrorist na si Abu Bakr Al-Baghdadi, isang Syrian Kurdish spy umano ang pumasok sa compound na pinagtataguan ng terorista at kinuha ang underwear upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng ISIS leader sa pamamagitan ng DNA.
Ayon kay Syrian Democratic Forces senior adviser Polat Can, matapos nilang matunton ang pinagtataguan ni Baghdadi saka sila nakipagtulungan sa Central Intelligence Agency (CIA) upang sundan ang bawat galaw ng terorista. Nakatakda raw kasi na lumipat nang pagtataguan si Baghdadi.
Ngunit bago pa ito makalipat ng lokasyon, tagumpay na nakuha ng Kurdish undercover operatibe ang isang self-styled “Caliph’s” underwear at kaagad isinailalim sa DNA test.
Sa ngayon ay wala pang kumoirmasyon mula sa U.S officials hinggil sa pahayag ni Can.