Nakapag-isyu na ng kabuuang P870 million unemployment benefits ang social insurance program ng gobyerno na Social Security System (SSS) para sa mga miyembrong nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya.
Ayon kay SSS president and CEO Aurora Ignacio, umaabot sa 67,937 miyembro na na-displace o nawalan ng trabaho ang nakatanggap ng financial needs.
Tiniyak naman ni Ignacio na patuloy ang pamamahagi ng ahensiya ng unemployment benfits sa mga jobless members tungo sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng health crisis.
Sa datos mula sa pamahalaan tumaas ang bilang ng mga nawalan ng trabaho sa Pilipinas sa nakalipas na buwan ng Setyembre sa 8.9 % o katumbas ng 4.25 million unemployed Filipinos.
Nakapaloob sa unemployment benefit forms ng SSS programs sa ilalim ng Social Security Act of 2018, ang isang miyembro ay maaaring magclaim ng unemployment benefits isang beses sa kada tatlong taon kung saan sakop din ng naturang programa maging ang mga kasambahays at OFWs na na-displace at nawalan ng trabaho.