-- Advertisements --

Bumaba ng 3.1% ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho na naitala ng Labor Force Survey nitong Disyembre ng nakaraang taon.

Ito ay bahagyang mas mababa kumpara noong Nobyembre 2024 na nasa 3.2% ang unemployment rate habang kumpara naman noong Disyembre 2023, nananatili sa 3.1% ang bahagdan ng mga Pilipinong walang trabaho.

Ayon naman sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ito ay katumbas ng halos 1.63 milyong pilipino na walang trabaho na mas mataas sa naging datos noong Disyembre 2023 na nasa 1.60 milyong unemployed filipinos.

Samantala, ayon naman sa datos ng PSA, na nakapagtala sila ng nasa 10.9% na underemployment rate noong Disyembre ng nakaraang taon na mas mababa naman sa naitalang 11.9% noong Disyembre 2023.

Sa ngayon ay patuloy din ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagsasagawa ng mga job fair bilang karagdagang oportunidad sa mga Pilipinong wala pang trabaho.