Bumaba ang unemployment rate noong Marso ng kasalukuyang taon sa 3.9% kumpara sa parehong buwan noong 2023.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, ang unemployment rate noong Marso ng nakalipas na taon ay nasa 4.7% base sa Labor Force Survey.
Subalit sinabi ng kalihim na bahagyang bumaba ito kumpara sa 3.5% na unemploymet rate noong Pebrero ng 2024.
Iniulat pa ni Sec. Laguesma na nalulugod sila sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong may trabaho.
Patunay aniya ito na lumalakas na ang ekonomiya ng bansa kumpara noong Marso ng nakalipas na taon.
Kuntento din ang kalihim sa pagtaas ng employment rate sa kabila ng nararanasang El Nino phenomenon na nakaapekto sa kabuhayan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.