-- Advertisements --
NCR crowd people

Bahagyang bumababa ang unemployment rate sa bansa mula 4.8% noong Pebrero ay naging 4.7% na lamang nang Marso nitong taon.

Ito ay base sa pinakabagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority kung saan katumbas nitong 4.7% ay 2.42 million na mga Pilipino ang wala pang trabaho.

Nasa 4.3% ng kalalakihan ang wala pang trabaho samantalang 5.4% naman sa kababaihan.

Pagdating naman sa underemployment rate bumabarin mula 12.9% noong Pebrero, naging 11.2% na lamang nitong Marso.

Samantala, ang services sector ay may 59% na employment rates, pumangalawa naman ang agriculture sector na may 23.5% at ang pangatlo ay industry sector na may 17.5%.

Ang Top 5 Major industries naman na malaki ang pagtaas sa employment rate, ay ang transportation and storage, pangalawa ay ang accommodation and food services, pangatlo naman ang wholesale and retail repairs ng mga sasakyan, pang apat ay ang contruction at ilan pang mga services.