Pinuna ng isang non-government organization ang datos na inilabas kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa employment rate ng mga Pilipino.
Sa isang forum sinabi ni IBON Foundation executive director Sonny Africa na posibleng lumala pa ang krisis ng unemployment sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Ipinunto ni Africa ang 1.7-milyong trabaho na nawala sa sektor ng agrikultura nitong Enero mula sa 10.9-milyon na bilang noong nakaraang taon.
“1.7 million jobs ang nawala sa agriculture sector. From 10.9 million agricultural employment noong january 2018, bumagsak siya to 9.2 million lamang in January this year,†ani Africa.
“Ito na ang pinaka malalamang pagbagsak ng trabaho sa post-Marcos era. Sa buong 33 years since 1986, limang beses lang nagkaroon ng contraction sa employment, sa limang beses na yan, dalawa ay nasa loob ng Duterte administration,†dagdag pa nito.
Inatake rin nito ang umano’y pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa Chinese workers sa pagbibigay ng trabaho.
“Over 20 percent yung trabaho doon, including those skilled works, is binigay sa Chinese workers. So iniisip namin ngayon, ano ba talaga?. So if you’re going to think of it, hindi totoo na prinoprotektahan nila at binibigyan nila ng supporta ang Filipino workers,†giit ng mananaliksik.
Batay sa datos ng PSA, umakyat sa 94.8-rate ang bilang ng mga Pilipinong nagkaroon ng trabaho sa nakalipas na isang taon hanggang nitong Enero.
Sa kabila nito, bumaba sa 9.2-percent ang oportunidad sa sektor ng agrikultura.