Umakyat sa 4.8 percent ang unemployment rate ng Pilipinas noong Enero ngayong taon mula sa 4.3 percent noong December, ayon sa mga datos ng Philippine Statistics Authority.
Katumbas ito ng 2.37 milyong manggagawang Pilipino na walang trabaho sa bansa na kung saan mas mataas din ito sa 4.5 percent o 2.24 milyong walang trabaho na naiulat noong Oktubre 2022.
Gayunpaman, binanggit din ng Philippine Statistics Authority na ang rate ng walang trabaho noong Enero ay mas mababa kaysa sa 6.4 percent na rate o 2.95 milyong walang trabaho na nakita sa parehong buwan noong 2022.
Ang kabuuang bilang ng mga may trabaho noong Enero ay umabot naman sa 47.35 milyon, o 95.2 percent noong Enero ngayong taon mula sa 4.3 percent noong December ng taong 2022.
Ang underemployment naman ay bahagyang bumuti sa 6.65 milyon o 14.1 percent rate, mas mababa sa 14.2 porsyento noong Oktubre 2022.
Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga may trabaho ay umabot sa 47.35 milyon, o 95.2 percent ng mamamayan sa ating bansa.