-- Advertisements --

Bumaba ang unemployment at underemployment rate sa bansa noong Abril, kumpara sa kaparehas na period sa nakalipas na taon, ayon sa Philippine Statistics Office.

Ang unemployment rate sa bansa ay bumaba sa 5.1 percent mula sa dating 5.5 percent, habang ang underemployment naman ay nasa 13.5 percent mula sa dating 17 percent.

Noong Abril, 94.9 percent ang employment rate mas mataas kumpara sa 94.5 percent sa kaparehas na period noong nakaraang taon.