-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 02 09 20 48
IMAGE | Saint Matthias Parish Church, Isabela/Reddit

CAUAYAN CITY – Inaabangan ngayon ang pagdating sa Isabela ng ilang alagad ng sining kasabay ng kick-off ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa selebrasyon ng National Heritage Month.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Isabela Provincial Tourism officer Alexander Miano na napili ang Saint Matthias Parish Church sa bayan ng Tumauini para pagdausan ng programa.

Kasabay ng kick-off ay ilalabas din ng Philippine Post Corporation ang 2019 commemorative stamp.

Ayon sa NCCA, layunin ng selebrasyon na buhayin at itaas ang kamalayan ng mga Pilipino sa pagmamahal sa kasaysayan at kultura ng bansa.

Kabilang ang simbahan ng Saint Matthias sa Tumauini sa tentative list ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage.