LEGAZPI CITY – Naglagay ang isang unibersidad sa Catanduanes ng libreng charging station para sa mga estudyante at guro na gumagamit ng mga de-kuryenteng sasakyan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Patrick Alain Azanza ang presidente ng Catanduanes State University, simula araw ng Lunes hanggang Biyernes, alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon ay libreng nakakapagcharge ng mga electric bikes at electric vehicles sa kanilang charging station na may 20 outlets.
Napagdesisyonan umano ng unibersidad na maglagay ng charging stations upang maengganyo ang mga estudyante at guro na gumamit ng mga di kuryenteng sasakyan na mas ligtas para sa kapaligiran.
Ayon kay Azanza, simula ng ilagay ang charging stations, mas dumami pa ang mga gumagamit ng e-bikes habang may mga guro na rin ang lumipat sa paggagamit ng de-kuryenteng sasaayan upang makatipid mula sa gastos sa mahal na krudo.
Hindi rin umano napapagastos sa kuryente ang unibersidad dahil mula ang suplay sa mga solar panels na nasa loob ng campus.
Maliban sa mga sasakyan, maaari rin na magcharge sa charging stations ng cellphone, laptops at iba pang gadgets na ginagamit sa pag-aaral.