-- Advertisements --

ILOILO CITY- Gumawa ng kasaysayan ang West Visayas State University (WVSU) sa Iloilo City dahil mahigit isang libo mga graduates ang nagtapos na may latin honors.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Joselito Villaruz, presidente ng unibersidad, sinabi nito na
sa kabuuan, nasa 1,123 ang may latin honors kung saan 36 ang Summa Cum Laude, mahigit 300 ang Magna Cum Laude.

Ito ay katumbas ng 74% ng mahigit sa 1,500 na mga estudyante na nagtapos ngayong taon.

Ayon kay Dr. Villaruz, ilang sa tinitingnan nilang posibilidad sa magandang academic performance ng mga estudyant ay ang intellectual maturity na resulta ng K to 12 curriculum at sinamantala rin ng mga estudyante ang full aat access sa mga educational materials noong ipinatupad ang flexible learning.

Napag-alaman na ang WVSU ay isa sa mga top Performing Schools sa ibat ibang Licensure Examinations kung saan Top 1 Performing School ito sa November 2022 Nursing Licensure Examinations at Top 8 Performing School sa October 2022 Physician Licensure Examination