-- Advertisements --

Dinoble ngayon ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang kanilang pagbibigay serbisyo at supplies sa mga kabataan ng Gaza.

Ayon sa UNICEF, na pinabilis nila ang distribusyon ng supplies sa mga bata sa Gaza Strip dahil sila ang labis na naapektuhan.

Sa unang linggo pa lamang ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas ay mayroong ng 350 na mga trucks ng UNICEF ang nakapasok na sa Gaza.

Labis na ikinalungkot ng grupo dahil sa maraming mga paaralan at pagamutan ang nasira mula ng sumiklab ang kaguluhan.

Nakipag-ugnayan na rin sila mga iba’t-ibang ahensiya para maihatid ang karampatang tulong sa mga naapektuhan ng kaguluhan.