NAGA CITY – Isinasailalim ngayon sa eksaminasyon ng otoridad ang umano’y chemical na itinurn-over ng isang mangingisda sa himpilan ng otoridad sa Polillo, Quezon.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, isang Jerson Yonting ng Barangay Sabang ang nagtungo sa otoridad dala ang sealed small color white bag na may laman ng hindi pa malamang kemikal.
Narekober aniya ng mangingisda ang nasabing kemikal sa karagatang sakop ng Sitio Daet, Barangay Bislian ng nasabing bayan.
Napag-alaman na buwan pa aniya ng Enero nang marekober ang nasabing kemikal habang nangingisda si Yonting.
Nakita umano nito ang boya na nakatali sa balsa na agad nitong kinuha kasama ang 16 meters ang haba at itim na fish net.
Doon din daw nadiskobre ang dalawa sealed small color white ng baga laman ang di pa malamang kemikal.
Kabilang pa rito ang dalawang maliit na solar panel, baterya at iba pang electrical parts.
Ayon umano sa mangingisda hindi niya agad nadala ito sa otoridad dahil sa sama ng panahon.