-- Advertisements --
Dumistansiya ang South Korean Unification Church sa alegasyon ng suspek na pumatay kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Base kasi sa rebelasyon ng 41-anyos na suspek na ang kaniyang ina ay miyembro ng nasabing simbahan sa Japan na siyang nagbigay ng malaking donasyon kay Abe.
Dahil sa nasabing malaking donasyon ay nagbunsod daw sa pagkalubog sa utang ng kaniyang ina.
Ang simbahan na kilala rin bilang Family Federation for World Peace and Unification kung saan miyembro rin si Abe ay nagsusulong ng kapayapaan sa buong mundo.
Inamin ng ilang opisyal ng simbahan na may ilang indibidwal ang nagbibigay ng malaking donasyon sa kanilang simbahan.