-- Advertisements --
Naghain ng kaniyang pagbaba sa puwesto ang unification minister ng South Korea dahil sa pagtaas ng tension nila ng North Korea.
Ayon kay Kim Yeon-chul, na tinatanggap niya ang responsibilidad sa lumalalang relasyon ng dalawang bansa.
Nangyari ang pagbibitiw nito sa puwesto matapos na pasabugin ng North Korea ang liaison office na malapit sa border nila ng South Korea.
Isa sa dahilan ng North Korea kaya nila pinasabog ang gusali ay dahil sa pagiging malapit daw umano ng South Korea sa US ganun din ang pagpapadala ng batikos ng mga taga South Korea gamit ang mga lobo na ipinapalipad nila.