-- Advertisements --

Kapwa tumimbang sa parehong 147 pounds ang welterweight champions na sina Errol Spence Jr at Shawn Porter sa ginanap na official weigh-in kanina sa Los Angeles.

Gaganapin ngayong Linggo ang unification bout ng dalawang mahigpit na magkaribal sa Staples Center sa LA.

Una nang lumutang ang isyu na sinuman ang manalo sa dalawa ay posibleng pagpilian ni Pacquiao para sa kanyang next fight.

WBC champion na si Porter (30-2-1, 17KOs) ay dating sparring partner ni Pacman.

Pero bago pa man magpang-abot sa ring ang dalawa, ang undefeated na IBF champion na si Spence (25-0, 21 KOs) ay kinikilalang massive  favorite maging sa mga pustahan.