ILOILO CITY – Nagpatupad ng unified border control ang mga local government units (LGUs) sa Western Visayas kasunod ng paglobo ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr., sinabi nito na ang lahat ng mga Ilonggo na uuwi ay bibigyan ng palugit hanggang ngayong araw, Hulyo 3 at paglampas ng nasabing petsa, maituturing na Locally Stranded Individual ang mga uuwi at kailangang sumalilalim sa quarantine at COVID-19 test.
Sa kabila nito, papayagan naman ang delivery ng essential products ngunit hindi kailangan munang sumailalim sa masinsinang monitoring depende sa lugar na pinanggalingan.
Inihayag naman ni Capiz Gov. Esteban Contreras na ang lahat ng Capizeño ay maaari pang makauwi hanggang Hulyo 5.
Sa panig naman ni Antique Gov. Rhodora Cadiao, nakahanda siya sa pagtalima sa kung ano man ang magiging kasunduan ng mga gobernador sa buong rehiyon.