-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development ang plano nitong pagpapatupad ng unified ID system sa bansa.

Ayon sa ahensya, ito ay upang matugunan ang pagkalat ng mga pekeng PWD IDs.

Ang ID System na tinutukoy ng ahensya ay isang web-based portal na mayroong real-time updating at ID verification.

Ito ay para sa lahat ng mga business establishment at upang kaagad matukoy ng mga ito kung legit ang iprenesentang ID.

Kaugnay nito ay muling nanawagan ang DSWD sa publiko na iulat sa National Council on Disability Affairs ang anumang kahinahinalang pagbebenta ng pekeng PWD IDs.