Inanunsiyo ng Department of Education (DEPED) na itutuloy pa rin na suotin ng kanilang mga personnel ang mga itinakdang uniporme.
Ito ay base sa ilalim ng panuntunan habang ang bagong tatag na committee ay inaayos ang dress code requirements para sa mga empleyado ng gobyerno.
Ayon sa DepEd na ang kasalukuyang uniform policy na nakasaad sa 2022 memorandum ng kanilang human resource office ay mananatili dahil ito ay napapaloob sa kautusan na rin ng Civil Service Commission (CSC) dress code policies.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong apat na uri ng uniporme ang isinusuot ng mga guro sa buong linggo habang ang araw ng Biyernes ay itinuturing na non-uniform day.
Ang mga non-teaching personnel naman ay sinusunod ang dalawang klase ng uniporme.
Ang pagbuo muli ng uniform committee ng DepEd ay napaloob sa Memorandum 004-2025 ng DepEd kung saan ikinabahala ng mga guro ang pagiging praktikal na pagsuot ng dress code lalo na sa init ng silid aralan at ang paggalaw ng ilang guro para makapagturo.