Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na isolated case lamang ang mga military at police personnel na nahuhuling nagdadala ng armas ng walang nelection gun ban exemption mula sa Commission on Election (Comelec).
Subalit iginiit ng DILG chief na dapat aniyang hindi huliin ang mga uniformed personnel sa kanilang area of operation o area of responsibility (AOR) dahil mayroon silang kaukulang “mission order” mula sa kanilanh unit commanders.
Binigyang diin din mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na awtomatikong exempted mula sa gun ban ng Comelec ang mga police at military force.
Aniya, ang mga miyembro ng hanay ng kapulisan at militar ay nahihirapan sa pagsecure ng clearance dahil wala aniya silang oras para iproseso ito bunsod sa may ilang mga pulis na nakatalaga sa ibang mga lugar o labas ng kanilang hurisdiksyon.