-- Advertisements --
MPD ROLAND MIRANDA
Police B/Gen Rolando Miranda

KALIBO, Aklan – Hinikayat ni incoming Police Regional Office (PRO) VI director B/Gen Rolando Miranda ang mga mamamayan na huwag matakot na magbigay ng impormasyon sa kanilang tanggapan kung may mapansin na kawani ng kapulisan na may hindi kanais-nais na gawain.

Ayon sa opisyal, hindi niya palalampasin ang sinumang uniformed police sa ilalim ng kaniyang pamumuno na masangkot sa krimen at iba pang illegal na aktibidad.

Gagawin lamang umano nito ang tama upang maiwasan ang pag-abuso sa serbisyo.

Tututukan nito ang mga programa kaugnay sa illegal na droga, korapsyon at insurgency sa unang duty ng kaniyang bagong assignment.

Nabatid na si Miranda ay miyembro ng PMA Class Bigkis Lahi 1990 na naging hepe ng Manila Police District at residente ng San Miguel, Bulacan.

Si Miranda ang papalit kay outgoing PBGEN Rene Pamuspusan na ini-assign bilang Deputy Director it Directorate for Plans sa Camp Crame.

Ang change of command ceremony ng nasabing mga opisyal ay magaganap ngayong araw, Disyembre 2 sa Camp Delgado na dadaluhan ni P/Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, deputy chief PNP for operation.