-- Advertisements --
Muling nagkasundo ang pamahalaan at Komunistang rebelde na muling ipatupad ang unilateral ceasefire ngayong nagkasundo ang dalawang kampo na ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan.
Batay sa joint statement na inilabas, pumayag ang militar at NPA na ibalik ang kanilang unilateral ceasefire bago pa man mag-umpisa muli ang negosasyon at isang bilateral truce ang pinag-uusapan din.
Palalayain din ng pamahalaan ang mga naarestong consultants at i-reactivate ang kasunduan kaugnay sa immunities para payagan ang nasa 19 na indibidwal para makapag participate sa negosasyon.
Sa kabilang dako, una ng tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na suportado nila ang usaping pangkapayapaan.