-- Advertisements --

Nakabuwena manong panalo na ang United City Football Club sa pagsisimula ng mga laro sa Philippine Football League.

Tinalo kasi nila ang Azkals Development Team (ADT) sa score na 1-0 sa larong ginanap sa PFF national training center sa Carmona, Cavite.

Naitala ni midfielder Mike Ott ang nag-iisang puntos sa 25 minutes ng laro sa tulong na rin mula sa kapatid nitong si Manny.

Sinubukan pa ng ADT sa pamumuno ng kanilang coach na si Scott Cooper subalit naging mabilis lamang si Anthony Pintus ng United FC at nailigtas ang dying minutes ng laro.

Nagpahayag namang ng pagkadismaya sa mga officiating officias si UCFC assistant coach Francis Muescan dahil maraming mga tawag dapat na ginawa ng mga referee subalit hindi ito nagawa.