-- Advertisements --
image 207

Magpupulong ang United Nations Security Council upang tatalakayin ang sunod sunod na ballistic missile ng North Korea sa Lunes.

Ito ay may kaugnayan sa kahilingan ng United States matapos naglunsad ang Pyongyang ng isang intercontinental ballistic missile (ICBM) na may kakayahang makarating sa US mainland.

Sa inilabas na pahayag mula sa US mission to the United Nations, sinabi nito na ang 15-member Security Council ay may responsibilidad na protektahan ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad at ang nonproliferation regime at itaguyod ang sarili nitong mga resolusyon.

Ang Relevant Security Council resolutions ay dapat na ganap na maipatupad, at ang Democratic People’s Republic of Korea (North Korea) ay dapat managot sa paglabag sa mga ito.

Nauna nang sinabi ng isang matataas na opisyal ng US administration na ang pinakabagong missile test ng North Korea noong Biyernes ay isang uri na “na maaaring tumama sa marami, maraming bansa.”

Inihayag naman ng opisyal na ang Washington ay regular na nakikipag-ugnayan sa China, na kasama ng Russia ay humarang sa kamakailang mga pagsisikap ng US na palakasin ang mga parusa ng UN sa North Korea sa mga missile tests nito.