Aminado ang National Press Club ng Estados Unidos na hindi maiiwasan na magkaroon sila ng pagdududa sa pagsuko ng self-confessed gunman sa pagkamatay ng beteranong broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon kay Bombo International Correspondent at NPC President Marlon Pecson sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakausap niya ang pamilya ng biktima at inamin na nagdududa rin ito sa mga pahayag ng suspek na si Joel Estorial.
Paliwanag nito na marami nang kaso ng krimen sa Pilipinas na tila naluluto lang ang mga kwento upang ma-satisfy ang kagustuhang impormasyon ng publiko.
Hangad nito ang patuloy na imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente lalo pa’t hindi pa tukoy kung sino ang mastermind sa naturang krimen.
Samantala, pinuri naman ni Pecson ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na poprotektahan ang karapatan ng mga mamamahayag sa bansa.