-- Advertisements --
Aalisin na ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang kanilang listahan ng mga bansang may travel advisories kaugnay sa COVID-19.
Aminado raw ang CDC na dahil sa kokonting bansa na lamang ang nagsasagawa ng testing at nagbibigay ng report ukol sa COVID-19 cases, mahirap na rin eksaktong matukoy ang pagbibigay limitasyon sa mga bansang dapat puntahan ng kanilang mamamayan.
Simula nga nitong araw, maglalabas lamang ng abiso ang US CDC laban sa isang bansa kung merong mga pangamba at iba pang mga travel recommendations.
Bago ito naging patakaran na ng CDC ang palaging paglalagay ng update sa advisories linggo-linggo na unang ipinatupad ang unang COVID-specific travel notice laban sa China noong January 2020.