-- Advertisements --
Ukraine

Nag-anunsyo ang Estados Unidos ng napakalaking bagong mga package ng mga armas para sa Ukraine sa gitna pa din ng mga pag-atake laban sa Russia.

Ito ay nagkakahalaga ng $2.5B o katumbas na P136.8 billion para umano ito sa paghahanda ng bansang Ukraine para sa isang bagong yugto ng digmaan laban sa Russia.

Ang naturang package ay hindi kabilang ang mga tangke na hiniling ng Kyiv, ngunit kasama dito ang 59 Bradley Infantry Fighting Vehicles, isang malaking bilang ng iba pang mga armored personnel na sasakyan, Avenger air defense system, malaki at maliit na mga bala.

Sa kasalukuyan, patuloy pa din kasi ang nagaganap na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na kung saan, ito ay nagsimula pa ng buwan ng Pebrero noong nakaraang taon.