-- Advertisements --

ROXAS CITY – Preparado na ang mga tagasuporta ni President Ferdinand “Bongbong” Jr., sa pagsalubong sa kanya kasabay ng state visit nito sa Indonesia.

Ito ang naging pahayag ni Ginavella Limpin-Cumla BINC sa Indonesia ng mapanayam nga Bombo Radyo Roxas.

Giit ni Cumla, magpapatupad ang Philippine Embassy ng pagtitipon kasama ang Filipino Community group sa isang hotel sa Jakarta, Indonesia.
Tatalakayin rin sa nasabing pagtitipon ang employment sa bansa at mga benepisyo na maaring matanggap ng mga OFW.

Dahil dito, umaasa si Cumla na mabigyan ng atensyon ng Presidente ang mga kailanganin ng mga balik bayan na mga Pilipino.

Habang, posible naman na pag-uusapan sa state visit kasama ang mga ilang opisyales ng bansa ang kaso ni Mary Jane Veloso kung saan nakuhaan ito ng 2.6 kgs na heroine sa kanyang luggage.

Sa kabilang banda, natalaga naman na pupunta si PBBM sa Indonesa sa darating na Sept. 4 hangang 6, habang Sep 6-7 naman sa bansang Singapore.