Nagtipon-tipon ngayong araw ang libu-libong motorcycle riders sa People Power monument sa EDSA, Quezon City para maglunsad ng “unity ride” para iprotesta ang malaki at dobleng plaka para sa mga motorsiklo.
Pinirmahan na kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na Motorcycle Crime Prevention Act, na naglalayong maiwasan ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga kriminal na lulan ng mga motorsiklo.
Nakasaad sa batas na gagawing doble ang plaka, na ilalagay sa unahan at likurang bahagi ng motorsiko.
Lalakihan din ito upang sa gayon ay mabasa at makita kahit 15 metro ang layo.
Simultaneous nationwide ang nasabing unity ride na isinagawa sa lungsod ng Zamboanga, Batangas, Laguna at Quezon provinces.
Si Sen. Richard Gordon, na nagsulong sa Motorcycle Crime Prevention Act, ay iginiit ang kahalagahaan ng batas para mapadali ang paghuli sa mga criminal na gumagamit ng motorsiklo.
Sinuman ang lalabag sa bagong batas na ito ay pagmumultahin ng hanggang P100,000.00.
Mula sa People Power monument nagtungo sa Senado ang mga nagprotestang motorcycle riders at dito nagsagawa ng maikling programa.
Panawagan ng mga riders sa Pangulo na huwag ng ipatupad ang batas.