Higit 6,000 mga indibidwal ang nakiisa sa isinagawang Unity walk interfaith prayer rally para sa mapayapang halalan ngayong 2019 na isinagawa kaninang madaling araw sa Quezon Memorial Circle na nagsimula kaninang alas-4:00 ng madaling araw na nagsimula sa may Sunken Garden sa may Quezon City hall.
Isang maikling programa ang isinagawa kasama na ang panalangin para sa mapayapa at maayos na 2019 elections.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga tauhan ng PNP, AFP, Comelec, mga kandidato, religious groups, government organizations at mga non-government organizations.
Kapwa namang nagbigay ng mensahe ang Comelec, PNP at AFP sa nasabing aktibidad.
Isang peace covenant ang pinirmahan ng lahat ng dumalo sa unitywalk.
Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chiuf Police Director Guillermo Eleazar na mahalaga ang pagkakaisa ng lahat para maging mapayapa ang halalan.
” Ang sama-sama nating paglakad at pagdarasal ay ating paraan upang ipagbigay alam sa ating mga kababayan na iisa ang adhikain; at ito naway magsilbing babala sa mga nagbabalak na guluhin o dayain ang eleksiyon na marami tayong nakabantay upang manaig ang kapayapaan at katotohan,” pahayag ni Eleazar.