DAVAO CITY – Naglabas na ng statement ang University of Mindanao (UM) hingil sa balita ng isang college instuctor na nahaharap sa kasong sexual harassment.
Ayon sa pamunuan ng UM, nakarating na sa kanila ang balita na isang faculty member ng UM Digos College ang sinampahan ng mag-aaral nito.
Habang wala pang pormal na reklamo na natatanggap ng naturang paaralan, sinimulan na umano nila ang imbestigasyon sa insidente.
Nilinaw din ng Unibersidad na isang serious offense sa kanilang institusyon ang sexual harassment, lalo na kapag ang faculty member nito ang may gawa sa kanyang mag-aaral.
Hindi umano magdadawalang isip ang UM na i-dismiss ang sinumang mapatunayang guilty sa naturang pagkakasala.
Maalalang inaresto sa pamamagitan ng entrapment operation ang isang 39 anyos na guro matapos magsumbong sa kinauukulan ang 20 anyos na babaeng studyante.
Ayon sa biktima, nag-offer umano sa kanya ang guro na makipagtalik kapalit ng pagpasa niya sa subject nito.
Pasado alas 2 ng hapon ng maaktuhan ng operating team sa loob ng isang lodging inn sa Lim Extension, Digos City ang dalawa na na parehong wala ng mga damit at nakasapin nalang ng tuwalya.
Kaagad namang isinailaim ang studyante sa counseling ng CSWDO sa Digos City. Habang ang suspek, haharap sa kasong Sexual Harassment and Seduction.