-- Advertisements --

DAVAO CITY – Lumiyab ang malaking sunog sa University of Southeastern Philippines (USEP) dakong alas-7:00 kagabi.

Isang katao ang sugatan sa nasabing sunog at patuloy pang ginagamot.

Lumabas sa imbestigayon na bunkhouse ng nasabing unibersidad ang tinupok ng sunog.

Dumating ang mga bombero at tuluyang nakontrol ang sunog.

Isa ang USEP sa mga venue ng Palarong Pambansa 2019.

Samtalang taong 2006 nang isang Cheryl Sarate, 16, ng Calinan district, first year student ng Bachelor of Arts major in English ang nasawi nang masunog ang gown nito habang isinasagawa ang beauty pageant sa nasabing university.

Gumamit ng kandela sa nasabing beauty pageant na nakasindi sa sahig at nang pumaso na ang biktima nasunog ang gown nito na gawa sa plastic.

Nagtamo ng third degree burn ang biktima at nasawi habang ginagamot sa hospital.