-- Advertisements --

ILOILO CITY – Handa na para sa pagsisimula ng kanilang training ang second batch ng Filipino satellite builders sa ilalim ng Space Science and Technology Proliferation through University Partnerships o STeP-UP Program.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Gio Asher Tagabi ng Tubungan, Iloilo, sinabi nito na isang malaking oportunidad at isang hamon na napili siya bilang isa sa walong scholars.

Ayon kay Tagabi, na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Electronics Technology sa Iloilo Science and Technology University, ang Electrical and Electronics Engineering Institute (EEEI) ng University of the Philippines-Diliman ang magtuturo at magsasanay sa kanila upang i-apply ang kanilang kaalaman sa paglunsad ng satellites na tinatawag na Maya 5 at Maya 6.

Napag-alaman na ang unang batch ng mga scholar noon ay silang nasa likod ng unang locally built nano- o cube satellites na Maya 3 at 4.

Pahayag pa ni Tagabi na tumatayong project manager ng batch, na ang mga satellite na kanilang gagawin ay may malaking kontribusyon sa economic, territorial, at disaster risk reduction efforts ng bansa kapag nailunsad na ito sa kalawakan.