-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tatlong area ang binibigyang konsentrasyon ngayon ng university professors bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa academic year 2020-2021.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Julius Caezar Martinez, professor sa Bicol University, nagsagawa na ng virtual meeting para sa paglalatag ng mga dapat gawin.

Ang syllabi ay naka-focus sa area na offline, online at face to face.

Ayon kay Martinez, ito ay upang madaling ma-adjust ang sistema kung may pagbabago man sa estado ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa ngayon, modular approach na muna ang karamihan sa mga guro lalo na at marami ang walang internet connection.

Pag-aaralan din kung posible ang face-to-face learning subalit pag-uusapan pa kung ilang mag-aaral lamang ang papayagan sa isang classroom.