-- Advertisements --
Mahigit sa 500 katao na karamihan ay mga estudyante ang inilikas sa isang unibersidad sa Australia dahil sa akala ay may gas leak.
Sinasabing ang mga staff ng University of Canberra library ay sapilitang inilikas dahil sa hinalang merong gas leak.
Pero sa huli ay nadiskubre na isa lamang pa lang durian fruit ang pinagmumulan ng amoy.
“We’ve been evacuated! Will post an update when students can re-enter the building,” bahagi ng Facebook post ng libray.
Ang nasabing abiso ay inalis na rin matapos matunton ang pinagmumulan ng masansang na amoy sa isang basurahan.
“Firefighters have completed a search of the building and located the source of the smell,” ayon pa sa statement mula sa Australian Capital Territory Emergency Services Agency.