CENTRAL MINDANAO-Lubos ang pasasalamat ng abot dalawang libong residente ng Brgy. Lower Paatan na naserbisyuhan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa programa nitong Unlad Caravan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa paaralang elementarya ng Lower Paatan sa pagbubukas ng kanilang pinto para maging venue ng programa.
Patuloy na dinala ng lokal na pamahalaan ng Kabacan ang mga serbisyong tulad ng feeding program, libreng tsinelas para sa Kinder hanggang Grade 6 students, libreng birth certificate registration para sa edad lima pababa, road rehabilitation, covid-19 vaccination, medical check-up at libreng gamot, vitamin supplementation para sa mga buntis at lactating moms, anti-rabbies vaccination at zinc phosphide distribution, vegetable seeds, operation tuli, libreng gupit-kulay-at pedicure manicure, Senior Citizen Allowance Distribution, Tricycle Renewal, Solo Parent PWD at Senior Citizen Registration, DOLE-TUPAD Registration, OWWA-OFW Concern, Real Property Taxation, BFP Fire Response, Disaster Preparedness training, wheelchair at tungkod, at pagturn-over ng mga medical equipment mula sa DOH.
Samantala, siniguro ni Mayor Guzman na ang adhikain ng programa ay ipadama sa bawat Kabakeño ang pagiging-isa ng ng pamahalaan na maiabot ang serbisyong dapat sa bawat Pilipino.