KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng CIDG-South Cotabato ang isang unlicensed dentist na mahaharap din sa kasong paglabag sa RA 9484 o Illegal Practice of Dentistry.
Ito ay matapos mahuli sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Antipolo St, Barangay Zone 2, lungsod ng Koronadal.
Kinilala ang nahuling target ng operasyon na si Paz Magluyan Lopez, 64 anyos at residente ng Barangay Cacub nitong lungsod.
Nahuli ng mga operatiba ng CIDG-South Cotabato si Lopez sa akto kung saan tumambad sa mga ito ang mga gamit sa gamit sa pagbunot ng ngipin at paggawa ng pustiso.
Nabatid na maraming mga kliyente nito ay karaniwang pumupunta sa kaniya dahil sa mura nitong singil sa pagpapapustiso at iba pang serbisyo kung saan 10 taon na rin itong ginagawa ang pagdedentista kahit walang lisensiya.