ROXAS CITY – Napa-Wow ang mga dumalo sa pinakaunang Panginhas Festival na tampok ang unlimited seafoods sa Barangay Buntod, Panay, Capiz.
Nabusog ang lahat ng mga tao na nakatikim ng masarap na seafoods kagaya ng alimango, talaba, tahong, scallops, hipon at ibat ibang isda na nakalatag sa dahon ng saging.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Kapitan Felipe Base, sinabi nito na naging matagumpay ito dahil sa pagtutulungan nila sa barangay at suportang ibinigay ng mga taong dumalo.
Siniguro rin ng opisyal na masusundan pa ito sa susunod na taon.
Maliban sa mga ordinaryong tao dumalo rin para magpakita ng suporta ang ilang opisyal ng Local Government Unit ng Panay.
Matandaan na sa halagang P200 na entrance fee ay mag-e-enjoy na kayo sa pagkain ng unlimited seafoods.