ROXAS CITY – Muling matitikman ang ibat ibang seafoods na pinagmamalaki sa Capiz sa isasagawang Panginhas Festival sa Barangay Buntod, Panay sa darating na Hunyo 22, 2023.
Ito ang pinakaunang Panginhas festival na isasagawa ng nasabing barangay kung saan matitikman ang pinagmamalaking seafoods na kanilang produkto kagaya ng tahong, talaba, scallops, alimango, hipon at ibat ibang isda.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Kapitan Felipe Base, sinabi nito na sa halagang P200 na entrance fee ay siguradong mag-e-enjoy ang mga tao sa makakain na ibat ibang seafoods.
Maliban sa unlimited seafoods, isa rin sa inaabangang aktibidad sa kapistahan ni San Juan Bautista ay ang fluvial parade.
Samantala malaki naman ang pasasalamat ni Base sa mga residente sa kanilang barangay dahil sa suporta at kooperasyon ng mga ito sa pinakaunang Panginhas Festival.