Nilinaw ng Department of National Defense (DND) na nagpaliwanag na sila kaugnay sa unliquidated funds na lumabas sa Commission on Audit (COA) report.
Sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong, hindi isinama sa mga ulat ng media ang kanilang paliwanag kaugnay ng P19.8 bilyong unliquidated balance sa kanilang mga Inter-Agency funds.
Giit ni Andolong, nasagot na nila sa COA ang kanilang mga obserbasyon sa 2018 Annual Audit Report sa isinagawang exit conference.
Sa audit report ng COA, nakasaad na sa P161.7 milyong Inter-Agency funds ng DND at P19.8 milyon ang nananatiling unliquidated.
Paliwanag ni Andolong, P4.4 na milyon mula sa unliquidated funds ay para sa pinansyal na tulong sa mga empleyado ng DND na biktima ni “Yolanda” at ng lindol noong 2013.
Aniya, P2.89 na milyon ang naipamahagi habang P1.54 milyon naman ang isasauli sa Office of the President.
Ang P12.9 milyon sa unliquidated funds ay para sa pagtatayo mg bamboo plantation sa Fort Magsaysay kung saan April 2018 napirmahan ang memorandum kasama ang Department of Environment and Natural Resources para sa proyekto.
Ang nalalabi pang unliquidated funds ay para sa mga proyekto na nagpapatuloy pa rin.