-- Advertisements --
OFWs1

Nakatutok ang Department of Migrant Workers o DMW sa unpaid claims ng mga OFWs na nagtrabaho sa KSA.

Ito ang iginiit ni DMW Sec Susan Ople.

Ani Ople, simula naupo si Pang Marcos ay regular na itong nakikipag-ugnayan sa Saudi upang makipag-negosasyon sa kinatawan ng nasabing bansa, para sa kabayaran ng mga unclaimed wages ng mga natenggang mangagawang Pilipino na unang nagtrabaho sa Saudi.

Sa katunayan ani Ople, dahil na rin sa pagtutok ng Marcos Administration, nagawa ng pamahalaan na pabayaran ang utang na sahod, kung saan posibleng sa susunod na buwan ay maaari nang makuha ng mga OFW ang kanilang mga unpaid salaries, mula pa noong 2016.

Maliban sa kanilang mag unpaid salaries, inaayos din aniya ng DMW ang posibleng pagbabayad ng danyos sa kanila o compensation sa hindi agarang pagbibigay sa kanilang sahod.

Pagtitiyak ni Ople na hindi titigil ang kasalukuyang administrasyon hanggang hindi mababayaran ang mga Pilipinong pinagkautangan ng kanilang mga dating employers sa Saudi.