-- Advertisements --

Napakinggan sa unang pagkakataon ang nawala at hindi nailabas na kanta ng legendary band na The Beatles.

Ang kantang “Radhe Shaam” na ginawa ng journalist na si Suresh Joshi ay nai-record noong 1968 nina George Harrison at Ringo Starr.

Mula noon ay itinago na sa kisame ng bahay ni Joshi ang orihinal na kopya ng kanta.

Sinabi ni Joshi na ito ay nawala at ilang beses na natagpuan subalit wala silang pagkakataon na ito ay mailabas.

Muli lamang itong natagpuan ng ipatupad ang lockdown sa Britanya kung saan ito ay nahanap ni Joshi sa kaniyang bahay.

Dagdag pa ni Joshi na ang tape ay kailangang ayusin dahil nagkaroon ng bahagyang damyos ito dahil sa kalumaan.

Kuwento nito na nagrerecord si Joshi sa Trident Studios sa London kung saan nandoon sina Harrison at Starr na nagrerecord ng kanilang kantang “Hey Jude”.

Nakausap ni Harrison si Joshi at inalok na kumanta sa kaniyang nirerekord.

Sa mga susunod na araw ay ilalabas na aniya ang kantang “Radhe Shaam” kung saan ang kikitain nito ay ibibigay sa charity.

Magugunitang sumikat ang grupo noong 1968 hanggang sila ay tuluyang nagkahiwalay noong Abril 1970.