-- Advertisements --

Nanawagan ng independent investigation ang United Nations agency for Palestinian refugees (UNRWA) sa mga atake laban sa personnel ng UN ganun din ang pagkasira ng kanilang imprastraktura .

Sinabi ni UNRWA chief Philippe Lazzarini na mahalaga na may managot sa gagawin nilang imbestigasyon.

Kabilang na dapat na imbestigahan ang pag-atake sa mga humanatarian convoys na pumapasok sa Gaza.

Magugunitang ilang tauhan ng UN ang nasawi matapos na pagkamalan ng Israel na ang kanilang mga sasakyan ay convoy ng Hamas militants sa Gaza.