-- Advertisements --

Nananawagan ang mga miyembro ng Kamara na imbestigahan ang P12.3 bilyong halaga ng mga disallowance ng Department of Education (DepEd) sa pamumuno noon ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni House Assistant Majority leader at Taguig 2nd district Rep. Pammy Mendoza na napag-usapan na nila kasama ang iba pang miyembro ng Kamara na isalang sa House Good Government and Public Accountability Committee ang unsettled financial transactions ng DepEd na inirekomenda ni Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun.

Samantala, dumistansya naman ang House prosecutor sa impeachment trial ni VP Sara na si 1-Rider Party-list Rep. Rodge Rodriguez sa pagpanawagan sa komite ng Kamara na imbestigahan ito.

Aniya, bilang bahagi ng prosecution team sa kaso ng impeachment, sinabi ni Gutierrez na papairalin nito ang restraint sa pagbibigay ng anumang pahayag ukol sa naturang isyu.

Ang unsettled financial transactions ng DepEd ay bahagi ng articles of impeachment na binanggit ng mga mambabatas sa Kamara laban sa Bise Presidente.

Kung saan inakusahan ng betrayal of public trust at graft and corruption ang Bise dahil sa umano’y misuse at malversation ng confidential funds na inilaan para sa Office of the Vice President at DepEd.