-- Advertisements --
LAOAG CITY – Umaasa ang mga residente sa Shanghai, China na tuluyan nang bumalik sa normal ang sitwasyon sa lugar bago pa ang pagkalat ng coronavirus.
Ayon kay Aida Tieza, tubong Quezon province pero kasalukuyang nagtatrabaho sa Shanghai bilang domestic helper, tatlong araw nang walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.
Dahil dito, sinabi niya na pinayagan na rin siya ng kanyang amo na nag-day-off kahapon.
Kwento niya, may mangilan-ngilan na ring tao sa labas o mga kalsada hindi kagaya sa mga nagdaang araw na halos nagmistulang ghost town ang lugar.
Dagdag pa niya, nagbukas na rin ang ilang establisyemento sa lugar na unang nagsara noong kasagsagan ng pagkalat ng virus sa lugar.